Blog Joomla Design by Best Web Hosting

Isa ang Cavinti sa unang nagsagawa ng FARMERS’ FIELD SCHOOL ON SUSTAINABLE PIG FARMING hindi lang sa buong Laguna, kundi sa buong bansa.

Ito ay ang bagong programa na pinasimulan ng Agricultural Training Institute (ATI), pinatupad ng Office of the Provincial Veterinarian (OPVet) at sinuportahan ng Bayan ng Cavinti sa pangunguna ni Mayor Milbert L. Oliveros kasama ang Municipal Agriculture Office sa Pamumuno ni Dr. Evelyn Taleon.  

Limampung (50) Cavintians ang nakatapos sa 21-linggo ng pagaaral patungkol sa natural na paraan ng pagbababuyan. Tinalakay dito ang pabahay, pagpapakain, pagbuburo, at pag-iwas at lunas sa sakit ng baboy. 

Natatangi ang FFS na ito dahil itinuro dito ang paggawa ng sarili nilang pakain na mula sa ibat-iang natural na sangkap. Nariyan din ang paraan kung papaanong di magkakaroon ng amoy ang babuyan. 

Sa simula ng programa, ay nagkaroon sila ng sampung (10) bulaw kung saan ang lima (5) ay inalagaan sa conventional na paraan at ang limang (5) ay inalagaan sa paraang natural. Sa pagtatapos ng programa, pinagkumpara ang dalawang sistema at nalamang mas malaki ang kita sa natural na paraan!

Ika-13 ng Agosto , ginanap ang FIELD DAY ng mga kasali sa programa. Ito ay dinaluhan ng mga tekniko at opisyal mula sa ATI, OPVet sa pangunguna ni Dr. Mary Grace M. Bustamante at ng Pamahalang Bayan sa pangunguna ni Mayor Milbert Oliveros. Masaya ang lahat at pinatunayan ng mga magbababoy na marami silang natutunan sa programa. Hindi nagtatapos sa Field Day ang kanilang pagsasama-sama dahil determinado silang magtayo ng Samahan (Farmer Association). 

Ang pondo na maiipon sa mapapagbentahan ng kanilang baboy ang gagamitin nila bilang pasimula. Nagpahayag naman ng suporta ang punumbayan at sangguniang bayan na dumalo. Sa ika-28 ng Nobyembre ay isasagawa sa kapitolyo ang pagtatapos at pagtanggap ng sertipiko ng mga bagong modelong magba-baboy. 

Isa na naman ito sa mga proyektong nagpapatunay ng pagpapahalaga ng Bagong Cavinti sa Pangunguna ni Mayor Milbert sa sektor Agrikutura para sa ikauunlad ng magsasaka! 

Hits: 1672