Blog Joomla Design by Best Web Hosting

State of the Municipality Address (SOMA)
Hon. Mayor Milbert L. Oliveros
delivered on July 1, 2014
at Cavinti Plaza, Cavinti, Laguna

Ika-1 taon ni Mayor Milbert

(Pagbati sa lahat – sa Sangguniang Bayan, Barangay Officials, Department Heads, DepEd, PNP, all sectors present)

(Mga hindi nakadalo: Konsehal Michael Eric Castillo at MLGOO Jared Baldemeca)

Sobrang bilis po talaga ng panahon. Kamailan lamang ako ay nagsalita dito para sa kauna-unahang SOMA na gumuhit sa kasaysayan ng Bayan ng Cavinti. Ngayon ay muli ako mag-uulat sa inyo nang accomplishments sa aking isang taong panunungkulan.

Sa loob po ng isang taon, bagamat baguhan sa pulitika, ang akin pong pag-gogobyerno ay nagpokus sa sosyal na reporma. Ito po ay sa kadahilanang ang pinakamahalagang pagbabago ayon sa United Nation ay dapat magmula sa bawat isa sa atin at hindi lamang sa gobyerno. Bakit po, dahil ikaw/ako/kayo o tayo po ang bumubuo ng lipunan kung saan nabuo ang gobyerno. Kaya napakahalaga po na mabago ang pananaw ng bawat isa sa atin tungo sa ating bayan lalo na ang pagtingin ng ibang bayan sa bayan ng Cavinti.

Hindi kamo’t may batikos o may kaguluhan ay hindi natin natugunan ang sosyal na reporma. Dahil ang batikos at kaguluhan ay parte ng pulitika. [biro: Kita nyo naman ang mga pribado at tahimik na buhay ay nagugulo dahil sa pulitika at ang sosyal na reporma sa pulitika ay pambansang isyu na]

Ang mahalaga po sa loob lamang ng isang taon lubos na nakilala ang ating mahal na bayan – ang Cavinti. Sikat na sikat na po ang bayan ng Cavinti, maging sa lokal at sa ibang bansa ay mabango ang pangalan ng Cavinti. Bilang pagpapatibay pa nito, ang Cavinti Philippines po ngayon ang tinuturing na bagong produkto ng Department of Tourism. Ngayon po, taas noo po nating sinasabi na TAGA-CAVINTI PO AKO. At kapag nalaman ng ibang tao, na tayo ay taga-Cavinti, ang bungad agad ay “sikat ang bayan nyo ah!”. 

Maririnig din natin sa mga sumasali sa bidding na galing sa iba’t ibang lugar sa Pilipinas na “sa Cavinti, patas, maayos at malinis ang bidding” kaya ang nananalo ay tunay na lowest and responsive bidders. Kaya ang pangunahing prinsipyo ko po sa paglilingkod sa inyo na “MOre Savings, MOre Services” ay naisasakatupuran po natin tulad ng malaking katipiran sa pagbili ng gamot na umabot P538,829.28 (variance of 78.62%) ang natipid nang bayan ng Cavinti. Sabi nga po ng ibang tao nang ipinost natin ang magandang balitang iyan sa facebook ay “kung sa iba-iba iyan, sa laki ng pagkakaiba ng presyo, baka sa bulsa nang iilang tao lang yan mapupunta”.

Ngayon nga po, tayo ay kilala na bilang Ecotourism, Eventful, Adventure and Falls Capital of Laguna. Kaya, sa kabila po nang isyung pulitikal, maituturing kong nagtagumpay po ang aking paggogobyerno sa unang taon ng aking panunungkulan sa aspeto ng sosyal na reporma.

BASURA

Nang maupo po ang inyong lingkod, may 3 strike notice of violation na po ang bayan ng Cavinti mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR). Isang notice na lamang po ay madedemda na tayo, hindi lang po ako kundi tayo po lahat ng nasa munisipyo, kaya agad ko po iyang ipinahawak sa Pambayang Administrador nong tayo po ay nagsisimula pa lamang sa panunungkulan upang masolusyunan ang problema sa basura at para malaman kung anong kakulangan ng Cavinti kung bakit tayo nagkaroon ng 3 strike notice

Nalaman agad po natin na kailangang lang pala ng isang departamento na dito lamang tututok dahil ang isyu ng basura ay hindi simpleng trabaho lamang. Kung tutuusin ay mas dapat bigyang pansin na serbisyo dahil araw-araw ay may basura. Kaya pagkalipas ng ilang buwan na pagsasaayos ng kabundok na basura ng pambayang administrador at dahil nga kailangan ng isang departamentong nakatutok lamang dito, pumili po tayo ng isang tao na mapagkakatiwalaan, masipag, may aking talino at experience-sado sa larangan nito upang maging katuwang ng inyo pong lingkod sa pagpapatupad ng sosyal na reporma sa basura. Hindi naman po tayo binigo nang ating Municipal Environmental and Natural Resources Officer (MENRO), Engr. Gil Custodio.

Dahil po sa pamamalakad ni Engr. Gil sa ating kabasurahan, pag-conduct ng ibat-ibang seminar tungkol sa RA 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of the Philippines, sa tulong din po ng masipag nating consultant na si For. Levi Garcia, ay sobrang bumaba po ang koleksyon ng basura ng ating bayan. Ito rin po ay nakatulong sa pagbibigay ng magandnag puntos ng Regional Assessment Team ng DILG para sa tinatahak nating Gold Award for “Seal of Good Local Governance (SGLG). [palakpakan po natin ang ating MENRO sa pangunguna ni Engr. Gil Custodio]

Ngayon po, kaugnay ng sosyal na reporma sa isyu ng basura, may programa po tayo na Clean and Green, may pa-contest po tayo na search for Cleanest Barangay na ang mananalo po ay tatanggap ng P100,000.00, P50,000.00, P30,000.00 at P10,000.00 para sa first, second, third at consolation prizes para sa natatanging barangay. Ang programa pong ito ay konektado sa ating turismo at agrikultura.

Asahan po ninyo na sa susunod pang mga panahon ay mas maaayos natin ang ating pasilidad sa sektor ng basura, tuloy-tuloy ang ICT na activity, mas malaking capacity ng makinarya at pagkakaroon ng produkto mula sa basura na isa rin nating ipagmamalaki. 

AGRIKULTURA

Kaugnay po ng Agrikultura, sa simula pa lamang po ay binigyan agad natin ng pansin ang sector na ito. Dahil nga na dominant land use ang agrikultura sa ating bayan which is 8,560.33 hectares o 39.55% of total land area ng gamit ng lupa, agad po nating binigyan ito ng pansin sa isang taon ng aking panunungkulan upang suportahan ang isa sa mga haligi ng ating bayan – ang mga mahal nating magsasaka.

Nag-conduct po tayo ng Farmer’s Field School (FFS) bilang isa sa paraan upang mas mapaunlad ang kaalaman ng ating mahal na magsasaka at ang ating agrikultura.

May 901 na magsasaka po tayong napaglingkuran sa larangan po ng rice production, 19 po sa larangan po ng pag-gugulay at 299 para sa fruit trees naman po. 

Mas pinauunlad po natin ngayon ang organic farming, vermin composting, at production of fish emulsion. Nakipagtulungan din po tayo sa MASINAG para sa ating mahal na magsasaka. 

Tuloy-tuloy po ang produksyon ng Organic Agri Crops ng ating Municipal Nursery. Katunayan nga po tayo ay may organic production na binebenta sa ating lokal na merkado at bumuo pa tayo ng isang festival na konektado din po sa ating turismo – ang Harvest Festival. Itong festival na ito ay naglalayong i-angat agrikultural na produkto ng ating mahal na magsasaka upang maiangat din ang antas ng kanilang pamumuhay, at makilala ang bayan ng Cavinti bilang Organic Capital of Laguna.

Kasabay po nito, naglunsad po tayo ng programa na One Barangay One Product (OBOP), na ngayon po ay may 91 participants na magtatanim ng talong, kamatis, ampalaya at beans. 

Kaugnay po nito, nakipag-ugnayan din po tayo sa BENACORN upang magamit po natin ang mga lupang idle sa ating bayan. Bilang pasimula, ang aking pong 15 hectarya na lupain na dating nakatiwang-wang lamang, ngayon po ay sinisimulan ng ayusin para sa pagtatanim ng BENACORN. Kung saan hindi lang bunga ang pakikinabangan ng isang magsasaka kundi ang buong biomass ng corn ang bibilhin. Ito po ay dadalhin sa bansang Korea. At maaari din itong itanim kasama ang niyog at iba pang fruit bearing trees.

Ang lahat pong ito ay naisakatuparan ng inyong lingkod sa sektor ng agrikultura katuwang ang masipag (despite na dumaranas ng unos at pagsubok ngayon) na si Dr. Evelyn Taleon at ang buong Opisina ng Agrikultura. [Palakpakan po natin sila]

Huwag din po nating iwan ang Kalakal ng Cavinti. Sa ngayon po ay patuloy ang operasyon ng ating Kalakal upang magdevelop ng magandang kalidad na produkto para sa ating industriya ng pandan at turismo. At ito po naman ay hinahawakan ngayon, despite na matrabaho ang opisina ng Human Resources lalo na sa pag-aasikaso ng GSIS, PHILHEALTH, PAG-IBIG at iba pa; natugunan po ni Engr. Larry Javier ang sektor na ito upang magkaroon ng sosyal na reporma tungo sa Kalakal ng Cavinti. Kaya palakpakan po natin si Engr. Larry Javier sa kanyang kasipagan at panahon na nilalaan dito.

Ngayon nga po, dahil nakalagay na sa CLUP 2013-2023 na dapat magkaroon ang Cavinti ng “unique food products”, nakikipag-ugnayan po ang opisina ng Pambayang Administrador, For. Tatlonghari, sa Food Science ng UPLB upang maayos ang kakaibang pagkaing produkto ng Cavinti. Sa kooperasyon naman ng Pangkat Kabukiran upang makagawa tayo ng Katmon Jam, Katmon Jelly, Bignay Wine/Juice, Lipote Wine/Juice, Inalamangan Santol, at marami pang iba. 

EDUKASYON

Bilang pagsuporta sa sektor ng edukasyon, nagpatupad po tayo ng genuine scholarship program upang masolusyunan ang hindi patas na pamamahagi ng nasabing programa. Ito rin po ay kasama sa sosyal na reporma na pangunahing proyekto ng aking unang taong panunungkulan.

Ang genuine scholarship program po na nakasaad sa dilaw na papel ay agaran ko pong pinag-utos sa Pambayang Administrador na gawan agad ng draft na resolution upang maipasa agad ito sa Sangguniang Bayan. At noon ngang Agosto 2013 isinumite ito sa pamamagitan ng email at printout, at napagtibay lamang nitong Abril 2014 sa pamunuan ng SB scholarship committee. Nailabas ang mga napagkalooban ng scholarship nitong June 2, 2014.

Ang nasabing scholarship program ay may 4 na kategorya at mayroong pagsusulit upang makabilang sa “chosen few” o natatanging mag-aaral ng Cavinti. Sa proseso pa lamang ay mararamdaman na ng estudyante ang karangalang mapabilang sa iskolar ng bayan ng Cavinti dahil tunay na talino’t galing nang estudyante ang puhunan upang makamit ang nasabing scholarship. Hindi dahil sa kumpare, kamag-anak o kaibigan kaya nakabilang sa iskolar.

Sa ganitong paraan, masisiguro nang pamahalaang bayan ng Cavinti na hindi masasayang ang pera ng bayan at may makakatapos na iskolar upang itaas nito ang kalidad ng pamumuhay ng kanyang pamilya na siya po nating pangunahing adhikain.

Ngayon nga po, dahil ang bayan ng Cavinti ang nagsimulang magbigay ng qualifying examination sa scholarship, maging ang provincial government po natin ngayon ay mayroon naring qualifying examination para sa natatanging mag-aaral. Nagiging modelo na po ang bayan ng Cavinti at iyan po ay nagpapatunay na may impact po ang sosyal na reporma na ating itinutulak.

Ang hindi naman po napabilang sa Cavinti Scholasrhip Program ay inindorso po natin kay Hon. Cong. Benjie Agarao at sa provincial government po. 

Tuloy-tuloy din po ang suporta natin sa infrastructure para sa edukasyon at tatalakayin ko po iyan sa infra sector. Hindi rin po natin pinababayaan ang ALS (Alternative Learning System), tuloy-tuloy po ang suporta natin dito sa pakikipag-ugnayan ni G. John Mark Gallardo.

Dahil sa kahalagahan ng edukasyon, ito nga pong huling buwan ay isinama pa natin sa isang sports events ng munisipyo ang TAKBO MO PARA SA ESKUWELA KO, upang makatulong sa maliit mang paraang ang ilan nating mananakbo. Ito po ay ating pinatutupad, dahil lubhang napaka-importante ng edukasyon para sa sosyal na reporma. 

SOSYAL NA SERBISYO

Sa aspeto po naman ng social services, patuloy po ang pagpapa-implement po natin ng Job Fair. May 3 na tao na po ang natanggap sa abroad at 45 na tao naman natanggap sa lokal.

1,704 na po ang total na numero na kababaihan na nabigyan po natin ng maternal and child care skills development, 475 para sa self enhancement skills development, 112 para sa productivity and capability skills development, 133 para sa social communication skills development at 483 para sa community participation skills development. Tuloy-tuloy po ang pagsuporta natin sa sektor nang kababaihan. Kaya nga po tayo ay naglabas din ng MEMO para sa mga barangay na magtayo ng Barangay Womens Desk para masigurado natin ang proteksyon ng mga kababaihan ng ating mga kababayan.

Naging kaagapay po tayo ng Kalipunan ng Liping Pilipina (KALIPI) at Epektibo at Responsableng Kilusan ng Kababaihan sa Bagong Laguna, Inc. (ERK2SBL, INC.). Tuloy-tuloy po ang suporta natin sa samahang ito.

Sa child welfare sector naman po, in the average, 360 pong mga bata ang ating natulungan sa isang taong panunungkulan. Ito po ang nabigyan natin ng DCC Certificate, DCC Bag and school supplies at DCC pin.

Sa supplementary Feeding naman po, 600 na bata ang nakasama sa programang ito at ito po ay tuloy-tuloy sa tulong ng DSWD Region IV-A.

Sa mga mahal po nating Senior Citizen, may 112 na po tayong senior na natulungan sa Sagip Mata Project. Mas marami po tayong matutulungan kung mapapalapit ang doktor na titingin sa ating mga senior dahil makakatipid po tayo sa transaction cost at hindi po masyadong mapapagod ang ating mga senior. Iyan po ay inaayos na natin at nakikipag-ugnayan po tayo sa ating municipal doctor at sa ilang doktor na gustong tumulong sa ating bayan.

Sa social pension naman po, patuloy po ang ating pagbibigay ng pension sa ating mga senior. Ngayon po ay may 123 social pensioner po tayo.

Sa Person with Disability (PWD) po, mas pinabuti po natin ang paglilingkod sa kanila sa pagsasaayos ng ating pasilidad na ngayon po ay mayroon na tayong PWD lane na mapapansin sa ating hagdan. Ganon din po ang MSWD PWD action center, may ready na wheelchair po tayo upang magamit ng nangangailangan kapag sila ay nasa loob ng munisipyo. Isama pa po natin nag PWD lane sa municipal transaction na magpapakita na sila ay priority. Namigay din po tayo ng restoration aids tulad ng saklay, hearing aid, wheel chairs at iba pa sa loob po ng isang taong panunungkulan ng inyong lingkod.

Nakapagpaloob po tayo ng Assistance to Individual in Crisis Situation (AICS) mula July 2013 to December 2013 ng 251 beneficiaries at January 2014 to June 2014 223 beneficiaries. May kabuuang halaga na P603,400.00. 

Sa Pantawid Pamilya Pilipino Program (4P’s) po ay nakapagpaloob po tayo mula July 2013 to April 2014 na 4,271 beneficiaries.

Ang lahat pong ito ay naipatupad natin sa loob ng isang taong pnunungkulan katuwang po ang masipag nating MSWD Officer na si Mrs. Ma. Rafela Valente kasama ang masisipag din nating MSWD staff. Palakpakan po natin sila.

Ang housing project po natin ay mismong Vice President of the Republic of the Philippines, His Excellency VP Binay, pa po ang tumawag sa akin nong kaarawan ko po upang siguraduhin na mapapa-implement ito sa susunod na mga panahon para sa mga kababayan nating kabilang sa informal settlers na kategorya.

Siya nga po pala, mayroon na rin po ang ating bayan ng Automated Teller Machine (ATM) na nakalagay sa ating munisipyo. Ito po ay hindi lang sa suweldo ng empleyado kundi para din po sa mga pensioners ng bayan ng Cavinti. Hindi na po sila bibiyahe sa Sta. Cruz kaya mas makakatipid po sila at hindi na gaano mapapagod para lang makuha ang kanilang pension. Pasalamatan po natin ang Development Bank of the Philippines (DBP) sa pagtugon sa ating kahilingan para sa mamamayan ng Cavinti.

Sa darating pa pong mga panahon ay pipilitin nating mas itaas ang kalidad ng serbisyo ng ating social services at pipilitin nating maibaba ang poverty level ng ating bayan. 

KALUSUGAN

Sa isang taong panunungkulan po ng inyong lingkod, nakapag-conduct po tayo ng maraming medical mission upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayanan sa sektor ng kalusugan. 

Sa kabuuang numero po, 3,431 na pasyente na po ang nabigyan ng libreng konsultasyon at alam naman po natin kung magkano ang pakonsulta ngayon sa doctor.

May 68 din pong mga kababayan natin na nakakuha ng libreng operasyon na may libreng gamot, 808 sa optical, 285 sa dental, 389 sa pediatrics para sa mga bata at 703 sa medical, nong medical-dental mission ng mga Filipino-American Physicians mula sa Washington USA – Doctors Fore Humanity.

May 133 medical, 72 circumcision, 165 dental, 808 optical at may libreng gupit pa mula sa FREEMASONRY AND 202 INFANTRY BRIDAGE.

Tumulong pa po ang ating magaling na kababayan na si Dr. Maryanne Enteria para sa pediatric clinic na 87 na pasyente ang natulungan.

Nagkaroon din po tayo ng free vacination sa ating health center para sa tigdas, polio at iba pa. Free medicine na rin po ngayon sa ating health center. 

Kahit po Health Center lamang ang ating health unit, ito po ngayon ay nagbibigay ng 24 hours na serbisyo at libre na po ang pagpapaanak dito. 

Libre din po ang paggamit ng ambulansya kung ang gagamit ay indigent at nasa kategorya ng emergency.

Ngayon po may mga bago po tayong kagamitan sa ating health center tulad ng autoclave machine, oxygen tank, suction machine, delivery table, bassinet, at vaccine refrigerator.

Almost double na din po ang PHILHEALTH BENEFICIARIES ng ating bayan. Mula sa 1,252 naging 2,264 na po. Kaya marami po tayong natutulungan sa Sagip Mata Program dahil po dito. PHILHEALTH po ang sumasagot ng gastusin sa operasyon na atin pong binabayaran at munisipyo din naman po sa fuel at transportation cost.

Kaya pipilitin nating magkaroon ng doktor sa mata at iba pa na maaring magbigay ng clinic time sa ating bayan upang mabawasan ang gastusin sa transaction cost.

Ganon pa man, ang lahat ng ito ay hindi po nating magagawa kung walang kooperasyon ni Dr. Edilberto Castillo at ang mga staff ng ating Health Center. Kaya palakpakan po natin din sila.

IMPRASTRAKTURA

Kung mapapansin po ninyo sa ibang parte ng ating bayan ay may ibang liwanag na. Iyan po ay mula sa DEMO project po ng LED light sa ating bayan. Tayo po ay nag-install ng mga DEMO LED lights upang pansamantalang magliwanag ang lugar na madidilim at malaman natin kung anong katipiran ang dulot ng ganitong teknolohiya. 

Kamakailan lang po ay inaprubahan ng Department of Agriculture ang Farm to Market Road ng ating bayan na nagkakahalaga ng P35M. Kaya bago naman siguro matapos ang unang termino ng inyong lingkod ay napatupad na po ito.

Nakita nyo na po ba ang bagong RHU Unit ng Cavinti sa Calminue? Ito po ay ready to provide services na at inaayos na ni Dr. Castillo ang medical at health staff na kakailanganin at schedule of services nito. Gayon din, inaayos na rin natin ang iba pang kailangan nito upang madagdagan ang serbisyo publiko ng ating munisipyo.

Nakadalaw na po ba kayo sa bagong Conference Room ng Cavinti Central School? Nakita nyo na po ba ang Construction of Bukal National High School? Iyan po ay napatupad natin ngayon… sa loob po ng isang taong panunungkulan ng inyong lingkod.

Awarded na rin po ang kontrata sa Jobel Enterprise na nagkakahalaga ng P2,147,539.95 para sa bagong gusali ng Sangguniang Bayan. 

Kamakailan lang po ay may nanalo na sa bidding para sa Bukal Watersystem (Submersible Waterpump Project) na sa susunod na panahon ay kokonekta sa watersystem ng ating bayan upang magbigay ng karagdagang suplay ng tubig.

Sasamantalahin ko na rin po ang pagkakataon na ito upang pasalamatan si Konsehala Aning Conde sa kanyang contribution na nagkakahalaga ng P200k para sa karagdagang pondo sa Bukal Watersystem. Palakpakan po natin si Konsehala.

Ganon din po ang mga tubong kailangan natin para kumuha ng karagdagang suplay ng tubig sa iba pang springs ay binibili na din po. Inaayos na rin po ngayon ng engineering natin ang paggawa ng collective water impounding sa sumucab upang walang masayang na tubig sa panahong malakas ito at magamit ng husto sa panahong mahina ito. May 2 taon pa po ako sa unang termino ko upang malaman kung magiging 24/7 na ang takbo ng tubig natin. Hindi po tayo magikero, nakakaisang taon pa lamang po ako, kaya humihingi ako sa inyo ng kunti pang panahon upang maisakatuparan ko ang aking mga plano at proyekto para sa patubig ng bayan. 

Mas marami pa po siguro tayong mapapatupad ng infrastructure projects kung hindi nawala ang PDAF. Kaya ako po ay lubos na nagpapasalamat sa diyos at hindi nya tayo pinababayaan sa sektor na imprastraktura.

Tungkol naman po sa Cavinti Hospital, tayo po ay magsusumite ng proposal sa DOH para sa 4 storey building ng Cavinti Hospital. Sabi nga po ni Lao Tsu – the journey of a thousand miles must begin in single step. Kaya ito po ang unang hakbangin upang mangyari ito. Kung hindi man pansinin ng DOH tayo po ay manghihikayat ng investor para maipatupad iyan sa lalong madaling panahon. Dahil kailangang kailangan po nang ating bayan ang magandang health service upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga kababayan sa sektor ng kalusugan at ganon din sa sektor nang turismo na siya nating pangunahing industriya.

At bilang pagpapatunay na seryoso po tayo sa proyektong ospital ng Cavinti, ang lupa ko pong isang ektarya sa Brgy. Inaoawan ay aking ido-donate upang agarang maapruban an gating request na ospital.

Ang mga nabanggit pong proyekto at plano sa imprastraktura ay nagawa at magagawa natin sa pakikipagtulungan ng ating Municipal Engineer at MPDC na si Engr. Ariel Deleon at ang buong staff ng nasabing opisina. Kaya palakpakan po din natin sila.

ISPORT

Kaugnay po ng sector ng kalusugan at turismo, pina-igting po natin ang sector ng isports kahit na inalis na po ang Sangguniang Kabataan. Ito po ay bilang tugon sa wellness project ng DOH at hamon naman sa pagiging “adventure” capital ng Laguna. Nakikilala na ang ating bayan, nagiging malusog pa ang mamamayan.

Hindi naman lingid sa inyo, isa ito sa nagpapasikat ngayon sa ating bayan. Ilang beses na po ba tayo na media dahil sa ganitong larangan? Kaya tuloy-tuloy po ang ating proyektong Fun Run, Trail Run, Mayor’s Cup, Zumba, Cavinti Adventure Road, at Cavinti Cross Country

Napatupad po natin ito, kasabay ang iba pang proyekto at programa sa pakikipagtulungan ni Mr. Joseph Prince Baltazar ang ating Sports Coordinator at mga tao sa tourism, engineering, treasury, admin office at mayor’s office. Kaya palakpakan din po natin sila.

TURISMO

Naiangat po natin ang turismo sa larangan nga po ng pagkakilala sa bayan ng Cavinti. Mayroon na po tayo ngayong mga bagong festivals at bagong tourist spot na kinikilala na ng Department of Tourism (DOT). 

Isa po sa lubos na nagpasikat sa atin ay ang pagbuo ng Cavinti Waterpsorts Fest na ngayon ay magkakaroon tayo ng 1st International Competition sa February 2015. 

Kasabay nito, dahil sa Cave Management Plan na ginawa ni For. Rick Jayson Tatlonghari na sinumite natin sa Regional Ecotorism Board plus magagandang video promotion ng Cavinti Cave, napansin po tayo ng DOT. Kaya ang Cavinti po ang isa sa bagong produkto ng DOT. Kaya inaasahan na dadagsain tayo ng turista at magkakaroon ng hanapbuhay ang ating mamamayan dahil sa turismo.

Speaking of tourism, nais ko pong ilahad sa inyo na bumaba po ang pasok ng turista sa ating falls. Ito po ay dulot ng naging hidwaan ng UBAP at mga Koreanong turista. Di po lingid sa inyo nakadepende ang income natin sa dami ng turista na pumapasok kaya malaki po ang epekto nito sa ating paggogobyerno. Ganon pa man, tayo po ay gumagawa ng paraan upang masolusyunan ito tulad ng pagtatayo ng sarili nating boating station sa Brgy. Anglas at paggawa ng bagong shooting the rapids papunta sa ating famous Cave. Kaya ipagdasal po natin sa susunod na mga panahon ay tumaas ang income mula sa Cavinti Falls.

Ganon pa man, nakatulong ng bahagya ang kita natin sa Cave. Kumita po ang Cave natin mula February 2014 to June 2014 na mahigit kalahating milyon. Kaya kahit po papaano ay malaki ang maitutulong nito upang matugunan natin ang pangangailangan sa suweldo ng mga tao sa munisipyo.

Dahil lumalaki ang operasyon ng tourism at kailangang mamonitor ang cave operation ng malimit… mayroon na po tayo ngayong Tourist Patrol na 4x4 na gagamitin lamang sa tourism. Kaya tayo po ay nakahingi nito sa mga kasama ko sa negosyo na ngayon po ya inaayos na upang magamit na po ng munisipyo/turismo.

Wala pong ginastos diyan ang munisipyo ni isang pera. Libre po iyan galing sa aking mga kaibigan na negosyante.

Ang anumang accomplishments ngayon ng turismo ay dahil po sa creativity at kasipagan ng opisina ng Pambayang Administrador na is Forester Rick Jayson Tatlonghari at mga tao ng turismo. Kaya palakpakan din natin sina Hart Cabuhat, Chris Valencia, Joya Fresco, Janice Ortañez, Eric Cereneche, Rommel Dela Torre, Leonardo Ansay, at Ulysis Bituin.

WATERWORKS

Tuloy-tuloy po ang pagkukumpuni natin ng tubo upang mawala ang nasasayang tubig na dapat ay dumarating sa bawat kabahayanan. Katulad po nang nabanggit ko na kanina, patuloy po tayong gumagawa ng paraan upang mapalakas natin ang suplay ng tubig sa bawat tahanan. 

Sa samantalahin ko rin po ang pagkakataon na ito na ipaliwanag sa inyo kung bakit nawala ang suplay ng tubig sa ilang kabahayanan nitong mga ilang linggo. Ito po ay dulot ng paghina ng tubig sa spring na atin pinagkukunan at ito po ay beyond our control na. Kaya ako po’y humihingi sa inyo nang mas malawak pang pang unawa… nakaka isang taon pa lang po ang inyong lingkod.

Ngayon pong naka-kasa na ang mga proyektong patubig, umaasa din po ako na masusulosyunan na natin ito sa susunod pang 2 taon ng aking unang termino. Again, kunting tiis pa po at pahingi ng mas malawak na pang unawa.

Kaugnay po ng patubig, nais ko pong ilahad sa inyo na sa unang taon po ng aking panunungkulan ay tumaas po ang collection natin sa tubig. Sa history po ng collection ng tubig, ngayon lang po nakakolekta ng ganitong kalaki: P4,354,822.46. Tumaas po ng P1,114,796.50. Ito po ay dahil sa computerized na ang ating water collection system sa pamamagitan ng ating Pambayang Administrador.

Umaasa po ako na mas tataas ang kita ng patubig kapag naayos na po ang karagdagang supaly ng tubig na aking nabanggit sa infrastructure sector.

Ang lahat pong ito ay atin pong napapatupad sa pakikipagtulungan ng Pambayang Administrador na syang may hawak ng waterworks, ang masipag na si G. Howard Miras at buong tao ng waterworks. 

DEVELOPMENT PLANNING

Sa development planning, ang Executive-Legislative Agenda, Annual Investment Plan, Local Poverty Reduction Action Plan, Comprehensive Land Use Plan, Cave Management Plan, Solid Waste Management Plan, Computerization and several other plans ay nagawa na po.

Nagkaroon po tayo ng CLUP na wala po tayong inilalabas na pera. Ang kalakaran po ng paggawa ng CLUP ay P100k per barangay at kung tayo ay may 19 na barangay tayo po dapat ay gagastos ng P1.9M. Pero wala po tayong inilabas na pera sa proyektong ito na napakahalagang dokyumento na laging kailangan sa anumang proyekto na patungkol sa paggamit ng lupa at mandato po ng batas ayon sa RA 7160. 

Naalala ko po nong Lunes sa ating Flag Ceremony, na inulat ni Ms. Cefrie Benerayan na nong umattend sya ng meeting ng liga ng mga MPDC, ang ibang bayan ay nasa module 1 pa lang ng CLUP. Samantalang tayo ay natapos agad, at ang mga ito ay humanga na naman sa Cavinti. Tunay na ngayon tayo ay nangunguna at umaani ng karangalan. Kaya palakpakan po muli natin ang ating Pambayang Administrador na si For. Rick Jayson Tatlonghari at ang kanyang maybahay na aking pinsan na si Dr. Gerlie Tatlonghari.

Ngayon po natin ay ready to submit na ang ating CLUP 2013-2023 sa Sangguniang Panlalawigan o Housing and Land Use Regulatory Board (HLURB), at hawak na ngayon ng Municipal Planning and Development Coodinator (MPDC) ng ating munisipyo. Nagawa na rin po ang Zoning Ordinance at handa na ring i-adopt ng Sangguniang Bayan.

Na-computerize po ang transaction natin ng wala po muna tayong inilalabas na pera: Water Collection System, Real Property Tax Assessment System (RPTA), Enhancement of Business Permit and Licensing System, Treasury and Accounting Computerization, Cashier System, Website at marami pa pong iba. Alam naman po natin na milyon po ang ginagastos sa paggawa ng computerize system. Yung sa Pagsanjan po ay RPTA system lamang ay P14M na. Nadaig pa nga po natin ang ilang bayan o city dahil sila ay hindi pa computerized pero po tayo ay computerized na. At kamakailan nga lamang ay pumunta sa ating munisipyo ang naka-contrata sa computerization ng provincial, at sila ay namangha dahil sa lahat ng munisipyo/city na kanilang pinuntahan dito sa Laguna upang i-assess ang computerization project, bukod tangi po ang Cavinti ang integrated ang database. Isa pa po, ngayon po ay wala na tayong babayarang yearly para sa hosting ng ating website dahil libre na po ang hosting nito mula sa pribadong kumpanya Pambayang Administrador. Kaya tayo po ay mapalad sa aspetong ito.

Ganon din po ang Cave Management Plan na nagawa na wala po tayong nilalabas na pera ng bayan dahil sa ating masipag at magaling na Pambayang Administrador. Ngunit atin na pong napapakinabangan.

Ilan lang po iyan sa ating natitipid upang maisakatuparan ang prinsipyong “MOre savings, MOre services”.

TRANSPARENCY AND ACCOUNTABILITY 

Mula po ng maupo ako bilang Mayor, sinigurado ko po na sinusunod natin ang mga alituntunin ng PHILGEPS para sa Bids and Awards. Ang mga pinansiyal na pag-uulat ay laging handa para sa public viewing. Ito ay ating inilalagay sa full disclosure bulletin board sa 3 conspicuous areas in the municipality, sa DILG FDP Portal at sa ating opisyal na website. Ito po ay kailangan din natin para sa Gold Award na ating tinutulak para sa Seal of Good Housekeeping ng ating bayan.

Naglabas din po tayo ng Administrative Order para sa inventory of assets para sa ating commitment to strengthen transparency and accountability. At na-assign diyan bilang temporary GSO ay si Ms. Luthgarda Kempis upang pangunahan ito. Ganon din, sinisigurado na lahat na nang lalabas na dokyumento tungkol sa purchasing at request ay ayos at tama ang proseso. Sa ganitong paraan ay madali ang pag-monitor ng status ng assets at properties.

Unti-unti na rin nating inaayos ang internal control system para bumilis ang serbisyo publiko ng munisipyo.

At kung saka-sakaling magsimula na ang cable company dito sa Cavinti, magkakaroon po ng libreng live coverage ang Sangguniang Bayan na sesyon at Bidding na mapapanood sa channel ng cable. Ito po ay para lalong maisulong ang transparency sa ating bayan.

Ang lahat pong ito ay dahil sa pakikipagtulungan nila Ms. Luthgard Kempis (Acting GSO), Mr. Roldan Perez (Budget Officer), Ms. Nimfa Cabuhat (Municipal Treasurer), Ms. Myrnalen Pahutan (Municipal Accountant), Engr. Ariel De Leon (BAC Chairman), Mr. Marlon Esguerra (BAC Secretary) at For. Rick Jayson Tatlonghari (Municipal Administrator).

PEOPLE’S DAY

At dahil po napabilis ang mga dapat output ng ibang departamento tulad ng MPDC at MENRO at nakatipid sa ibang gastusin, nagkaroon pa po tayo ng panahon at resources upang ipatupad ang kauna-unahang people’s day ng Mayor na binababa sa bawat barangay.

Sa proyekto pong ito, ibinababa natin ang serbisyong dinudulot ng bawat departamento tulad ng Accounting, Budget, Engineering, Treasury, MENRO, Civil Registry, Health, MSWD at iba pa. Upang paglingkuran ang mamamayan na nahihirapang pumunta sa munisipyo o walang panahon pumunta sa munisipyo dahil sa oras ng biyahe o gastusin.

Sa araw na ito, kasama ko po ang bawat heads ng department at representanre ng SB upang bigyan ng solusyon ang problemang pede agad bigyan ng solusyon.  

Ang lahat pong ito ay sa pakikipagtulungan ng department heads. Kaya palakpakan po natin sila.

Kaugnay po nito, inulunsad din po natin ang “Barangay Day sa Tanggapan MO” upang makadaupang palad natin ang mga kapitan sa aking upisina minsan sa isang buwan upang makapagpalitan ng idea, plano at karanasan upang makamit natin ng husto ang sosyal na reporma tungo sa pagtaas na kalidad ng pamumuhay dito sa ating bayan.

Kaya palakpakan din po natin ang matatapat at masisipag nating mga kapitan.

PEACE AND ORDER

Sa loob po ng isang taong panunungkulan ng inyong lingkod, naging mapayapa po ang bayan ng Cavinti. At katulad nga ng aking nabanggit kanina, ang kunting kaguluhan ay dulot lamang ng pulitika at sana ay mangibabaw ang interest ng mamayan kaysa sa interest ng pulitika.

Patuloy po tayong sumusuporta sa ating kapulisan upang mapanatili natin ang kapayapaan sa ating bayan. Tulad po ng pagpapa-ayos ng sasakyan ng ating kapulisan. Kasabay po ang pagpapatatag ng Disaster Management Council ng ating bayan mula sa ibat ibang barangay.

Bilang pagtugon din po sa disaster management at fire brigade ng ating bayan… tayo po ngayon ay mayroon nang disaster patrol na 4x4 din po tulad ng sa turismo. [sabay pasok ng Ford Ranger]

Wala rin pong inilabas na pera diyan ang munisipyo. Libre din po iyan galing sa aking mga kaibigan na negosyante.

Makakaasa na po tayo na magiging mas maagap ang pag aksyon ng ating disaster management council.

Isaman na rin po natin ang bagong sasakyan na ginagamit ng Sangguniang Bayan ngayon, iyan po ay bilang pagsuporta ng inyong lingkod sa SB. Sila po ang aking inuna sa paghingi ng sasakyan upang mapabilis din ang kanilang responde sa barangay kung sila ay kailanganin ng kanilang nasasakupang distrito. At ito po ay sa pakikipagtulungan n gating ABC President na si Konsehal Oscar Ramos.

Kung noon po tayo ay kinakabahan kung sakaling magkasunog dahil palyado po ang ating fire truck, ngayon po ay magkakaroon na tayo ng peace of mind. [sabay pasok ng Fire Truck]

Handa na po and Fire Truck natin upang pagsilbihan ang bayan ng Cavinti, maging sa sunog o suplay ng tubig kung kinakailangan.

Kaya may sulosyon na po tayo ngayon sa mga lugar na di dinadatnan ng tubig sa panahon na mahina ang suplay ng tubig sa spring. Ang dati po kasing fire truck ay di maaaring gamitin sa ganong serbisyo kaya kailangan natin ng isang maayos na fire truck para po sa ganitong serbisyo. 

PAGTATAPOS

Bagamat po na wala ng PDAF, ako po ay naniniwala, na nagampanan ko ng buong puso at sigla ang tungkulin ko sa bayan ng Cavinti sa loob ng isang taon. Umasa po kayo na sa natitirang 2 taon ng aking unang termino ay mapapatupad na ang mga plano at proyekto na aking nabanggit, mula sa dilaw na papel at CLUP 2013-2023 na siyang batayan ng pagpapatupad ng proyekto ayon sa batas na RA 7160.

Muli po, magandang hapon at pagpalain nawa tayo ng diyos na maykapal para sa ikauunlad ng bayan ng Cavinti. Mabuhay po tayong lahat!

Hits: 3049