Blog Joomla Design by Best Web Hosting

Maagang Pamasko handog ng - DBTIOM-Batch 69 & RATED-K

 

 

             Kaugnay sa pagdiriwang ng nalalapit na kapaskuhan nagsagawa ang Don Bosco Technical Institute of Mandaluyong, Alumni Batch 69,  ng programang “MAAGANG PAMASKO”. Isa sa inaasahang magbibigay kabuluhan sa pagtitipong ito ang batikang Radio at TV Host na si Ms. Korina Sanchez. Ang lokasyon ng kaganapang ito ay magaganap sa Brgy. Lumot Covered Court. Pinangunahan ng mga kinatawan ng Don Bosco Foundation ang pamimigay ng mga regalo, mga laruan, bible books at feeding program. Ang Rated-K staff naman ay magkakaloob ng mga tsinelas sa mga bata na may edad 4-12 taong gulang. Ito ay nagkaroon ng kaganapan sa pakikipag tulungan sa lokal na pamahalaan ng Bayan ng Cavinti sa pamumuno ni Kgg. Mayor Milbert L. Oliveros at OMSWD Mam Rafaela L. Valente, kasama ang ating Kgg. Vice-mayor Danilo G. Arroyo at sina Kgg. Anita A. Conde, Kgg. Arrantlee Arroyo, Kgg. Pedro Villegas Jr. at Kgg. Crispin Sanchez. Hatid nito ay mga ngiti sa bawat mukha ng mga bata para sa maagang pamasko na kanilang natanggap. Muli po kami ay taos pusong nagpapasalamat sa inyong lahat.