Blog Joomla Design by Best Web Hosting

TESDA Training (NC-1)

Ang tanggapan ng TESDA ay nagsagawa ng pagsasanay  patungkol sa “Basic Electrician Course - National Certificate (NC-I)”, na ginaganap sa Areza Complex, Pagsanjan, Laguna. Nagsimula noong ika-3 ng Nobyembre. Ang nasabing pagsasanay ay libre sa pamamagitan ng Pamahalaang Bayan ng Cavinti sa pangunguna ng ating Kgg. Punumbayan  Milbert L. Oliveros, Ito ay binigyang kaganapan ng ating Municipal Registrar Officer, Melandro B. Lope. Ito ay dinaluhan ng 34 na partisipante na halos mga kabataan at natapos noong ika-21 ng Nobyembre.