Blog Joomla Design by Best Web Hosting

Bagong Firetruck ng Cavinti muling Gumuhit ng Kasaysayan

Bakit ba kailangan bumili ng Firetruck?

SAFETY FIRST. Kahit anong organisasyon ang kaligtasan ng tao ang pangunahing dapat bigyan ng pansin ng namumuno. Kaya sa maigsing panahon ng paglilingkod ni Kgg. Mayor Milbert L. Oliveros ay inuna nyang magkaroon ng Firetruck ang Cavinti kaysa bumili ng sasakyan na dapat nyang gamitin sa araw-araw. At dahil nga maraming pribadong sasakyan ang ating mahal na Mayor, mas inuna nya ang pangangailangan ng bayan.

Halaga at saan kinuha ang budget

Ang budget po ng Office of the Mayor na nagkakahalaga ng P800,000.00 na dapat ay sana ay gagamitin sa pagbili ng sasakyang magagamit ng Punumbayan sa araw-araw nyang transaksyon (dahil sirain na po ang dating sasakyan na Ford Everest 2005 ng Punumbayan) ay minabuti po na ilaan ito sa pagbili ng Firetruck na syang kailangan ng bayan. Ito po ay bilang tugon sa nakapaloob na pambayang plano (CLUP) na dapat ng palitan ang luma, sira at hindi gumaganang pamatay sunog na sasakyan. At dahil kulang po ang budget ng Office of the Mayor, kumuha po sa pera ng Calamity Fund na pandagdag upang makabuo tayo ng P1,415,700.00 na Approved Budget for the Contract (ABC) na inilalagay po natin sa PHILGEPS para sa Public Bidding.

Ang nanalo po sa Bidding na sinalihan ng 3 bidders mula sa ibat-ibang lugar ay Firewolf na may halagang P1,180,000.00. Kaya nakatipid po ang Lokal na Pamahalaan ng Cavinti ng P235,700.00. Tunay na sa Bagong Cavinti ang lowest responsive bidders ang nanalo.

Ang bagong Firetruck

Ang bagong Firetruck ng Cavinti kasabay ng Bagong Sasakyan ng Rescue Team na Ford Ranger (donasyon mula sa mga kaibigan ng Punumbayan sa kanyang negosyo) ay dumating nong araw ng ikalawang SOMA, 1 Hulyo 2014, ng ating mahal na Mayor Milbert L. Oliveros ay may sumusunod na impormasyon:

- Hino Ranger D/C Firetruck with Accessories
- 6 Wheeler with 6 Stud Heavy Duty Morita Japan Mid Hip
- 2,000 liters Steel Tank Capacity
- with One set of Fireman Suit (FREE)

Nasubukan na Agad

Agad pong nasubukan ang Bagong Firetruck ng Cavinti ng biglang nagkasunog sa Burol. Ayon kay FO1 Dennis Villanueva. nagkaroon po ng 1st Alarm Structural Fire sa Burol Elementary School na nagsimula sa comfort room (CR) na bahagi. Ayon sa pag-iimbestiga ang pinagmulan ng sunog ay ang mga uling na nakatambak sa CR na naiwang may baga pa ang ilan. Ang sunog ay naganap ng 13:30 hours nong Agosto 1, 2014 at agad napatay ang apoy sa tulong ng Bagong Firetruck ng Cavinti. Wala pong casualty/injured negative ang naitala.

MARAMING SALAMAT sa naging desisyon ng ating mahal na Mayor Milbert na unahin ang Firetruck kung hindi ay baka di napatay agad ang apoy at mas malaki ang purwisyo ang dulot, mas malala pa nito, baka nasunog ang buong Burol Elementary School.