Blog Joomla Design by Best Web Hosting

2014 Cavinti State of Municipality Address

Sa ikalawang pagkakataon, muling nag-SOMA (State of Municipality Address) nitong ika-1 ng Hulyo 2014 ang pinakabatang Mayor ng Laguna na si Hon. Mayor Milbert L. Oliveros.

Sa kanyang pag-uulat, ipinaliwanag nya sa taong bayan na ang pinakamahalaga sa kanyang accomplishments sa isang taon ay ang “social reform” o sosyal na reporma. Ayon kay Mayor Milbert, ang sosyal na reporma ay una dapat asikasuhin at ipatupad bago ang mga proyektong pisikal tulad ng imprastraktura base sa pag-aaral ng United Nation. Dahil nga naman kahit anong dami ng proyektong pisikal na ipatayo o ipagawa sa isang bansa/bayan kung hindi mababago ang pananaw ng mamamayan sa buhay at sa lipunan, ito ay mababalewala.

Kaya sa unang taon ng panunungkulan ni Mayor Milbert, iyan ang kanyang lubos na pinagmamalaki kaysa sa mga imprastraktura, bagong sasakyan, bagong kagamitan at iba pa na kanyang nagawa at naidulot sa taong bayan.

Dahil kasi sa sosyal na reporma, nag-iba ang tingin ng ibang bayan sa bayan  ng Cavinti. Sa maikling panahon, sumikat ang bayan ng Cavinti hindi lang sa lokal kundi maging sa ibang bansa. Ngayon, taas noong sinasabi ng mamamayan ng Cavinti na “taga-Cavinti po ako!”. 

Sa SOMA, detalyeng nilahad ni Mayor Milbert ang mga isyu at sosyal na reporma sa mga sumusunod: Basura, Agrikultura, Edukasyon, Sosyal na Serbisyo, Kalusugan, Imprastraktura, Isport, Turismo, Waterworks, Development Planning, Transparency and Accountability, People’s Day, at Peace and Order.

Tunay na nakakamangha ang ginawang paglalahad ni Mayor Milbert na para bang SONA ng Presidente ng Pilipinas.

Ilalabas po ang video ng ikalawang SOMA ni Mayor Milbert sa lalong madaling panahon upang mapakinggan at mapanood ng iba nating mga kababayan na hindi nakadalo sa nasabing SOMA. Ang nasabing video ay inaayos na nang Pambayang Administrador.