Blog Joomla Design by Best Web Hosting

Creation of Cavinti Municipal Sisterhood and Twinning Committee: Ikinasa na!

Dahil sa vision ng very energetic, dynamic and promising Mayor ng Cavinti at pinakabatang Mayor ng Laguna na si Hon. Mayor Milbert L. Oliveros, nakita n'ya na dapat may katuwang ang bayan ng Cavinti sa pagpapaunlad na ito. Dahil sa nais ni Mayor Milbert na itaas ang kalidad nang pamumuhay sa ating bayan, naisip nya pong makipag-sisterhood o twinning sa ibang mauunlad na bayan at maging sa ibang bansa. Malaki po ang maitutulong nito upang tuluyang makamit natin ang sosyal na reporma ng ating bayan. Kaya agad niyang pinagawa sa Pambayang Administrador na si For. Rick Jayson A. Tatlonghari ang Draft Resolution nang Creating of Cavinti Municipal Sisterhood and Twinning Committee.

Kaya nong ika-22 ng Hunyo 2014, Linggo, ay ginawa agad ito at pinadala agad ng Pambayang Administrador sa Secretary nang Mayor na si Ms. Janice Ortañez upang maisama sa Executive Agenda.

Ang nasabing Draft Resolution ay ibinigay sa isa sa pinakamasipag na Konsehal ng Bayan na si Kgg. Anita Conde upang siya ang magmungkahi sa nasabing resolusyon.

Inaasahan na mas uunlad ang bayan ng Cavinti kapag natuloy ang “sisterhood signing agreement” sa mauunlad na bayan sa Pilipinas at maging sa ibang Bansa.