Blog Joomla Design by Best Web Hosting

Turista sa Cavinti dumadagsa dahil sa mga kakaibang "Festival-Promotions"

Tumaas ng 69.5% ang bilang ng turista sa Cavinti. Unti-unti nang nagbubunga ang promotional activities tulad ng videos, social media postings, television coverage at higit sa lahat ang mga isinigawang festivals na nakatawag pansin sa national media at dahil dito ay kinilala ang galing ng Cavitiin at ang likas na ganda ng bayan ng Cavinti.

Dumagsa ang turista sa El Pueblo, Bumbungan EcoPark at Cavinti Underground River and Cave Complex (CURCC). Unti-unti na ring nakakabangon ang Cavinti Falls dahil na-alarma na ang ibang bangkero mula sa karatig bayan na maging mabait sa mga turista dahil nga sa nalalapit ng pagbubukas ng Cavinti Boating Station para sa Shooting the Rapids o Wild Wadi Adventure papunta sa world-famous falls - Cavinti Falls (a.k.a Magdapio/Pagsanjan).

As of February 2015, ang top three (3) na pinanggagalingan ng "local income" ng LGU Cavinti ay: una Turismo P5.3M or 46.75%; pangalawa ay Business Taxes P3.99M (35.05%); at pangatlo ay Waterworks System P0.82M (7.17%).

 

Malaki talaga ang naitutulong ng mga Festivals na ginawa ngayon ni Mayor Milbert L. Oliveros. Sabi nga ni Dr. George Davis sa kanyang pag-aaral [The Significance and Insignificance of Demand Analysis in Evaluating Promotion Programs] ay nagpapakita na ang "effects of promotion on industry profit are often positive and large".

Tunay na dumadagsa ang turista dulot ng promotion gamit ang iba't ibang Festivals ngayon.

Aasahan na mas taas ang bilang ng mga turista kaya lalong tataas ang kita ng bayan kapag natapos na ang Cavinti Boating Station sa Brgy. Anglas. Ang right-of-way papunta sa nasabing boating station ay donasyon nila dating Vice Mayor Crisostomo Vilar ng Pagsanjan at nila Admin For. Rick Jayson Tatlonghari.

Inaasahan din na mas maraming magkakaroon ng trabaho sa Cavinti sa pagbubukas nito tulad ng bangkero, tourist guide at pagtatayo ng negosyo tulad ng souvenir shops.

Ang nasabing Cavinti Boating Station ay ilang dekada ng plano ng Cavintiin upang ganap na maitapud ang magagandang plano sa world-famous falls at magkaroon ng sariling pagkakakilanlan ang "Cavinti Falls".

Ang Tourism ay hawak ng Office of Municipal Administrator na lalong pinagbuti sa tulong ni Ms. Nitzshell Dela Torre (Tourism Officer).

God bless Cavinti! Ngiti Cavinti!