Blog Joomla Design by Best Web Hosting

P152 Million Proyektong Imprastraktura Pinatupad Na!

S

Sa kasaysayan ng Cavinti, ang P152 million proyekto ng imprastraktura na tinarabaho ni Mayor Milbert Oliveros ang pinakamalaking pondo na nadala sa bayan ng Cavinti sa loob ng isang termino lamang (kung tutuusin ay sa isang taon lamang).

Ang proyektong ito ay ang mga sumusunod:

1. P70M para sa Farm-to-Market-Road sa Brgy. Lumot papuntang Cavinti Underground River and Cave Complex (isa na sa Tourist Destination ng Cavinti);

2. P70M para sa Farm-to-Market-Road sa Brgy. Cansuso papuntang sa Propsoed High Lands ng Cavinti (isa sa magiging Tourist Destination din ng Cavinti);

3. P5M para sa Covered Court ng Brgy. Layug;

4. P2M para sa Barangay Hall ng Brgy. Bulajo;

5. P5M para sa Multi-Purpose Building sa Brgy. Silangan Talaongan

May parating pang P50M para sa karagdagang Farm-to-Market-Road na gagamitin sa bagong Boating Station ng Cavinti para sa Cavinti Falls (a.k.a Pagsanjan Falls or Magdapio Falls) at sa pagkakabit-kabit ng mga barangay roads (interconnected roads) ayon sa Comprehensive Land Use Planning ng Cavinti.

Ang mga nabanggit na milyon-milyog proyekto ay hindi basta binababa ng nasyunal/ahensya ng gobyerno o ng kongreso/senado. Ito ay nangangailangan maayos na proposal, minsan ay feasibility study na alam naman nating milyon din ang halaga (ngunit nakukuha natin ng libre), masusing panliligaw o follow-up sa mga opisina o pulitiko at matinding panalangin. Tunay na kailangang mag-invest ang Punumbayan ng panahon, talino, sipag at gastos para makakuha ng proyekto lalo na’t milyon-milyon ang halaga. Hindi po iyan parang hinog na bayabas na iintayin na lamang nating mahulog para ating pakinabangan. Tanging si “Juan Tamad” lamang ang nag-iintay na mahulog ang bayabas para ito ay pakinabangan at hindi po ganon si Mayor Milbert L. Oliveros. Kaya sa 2015 pa lang ay mayroon na agad na P152M na imprastraktura ang bayan ng Cavinti.