Blog Joomla Design by Best Web Hosting

World Bank Grant Para sa Patubig ng Cavinti, Isinusulong

S

a kadahilanang gustong masulosyunan ni Kgg. Mayor Milbert L. Oliveros ang problema sa patubig ng bayan na hindi umuutang dahil sa kasalukuyang utang ng LGU (noong Disyembre 10, 2008) Cavinti sa Development Bank of the Philippines, Sta. Rosa Branch na nagkakahalaga ng P26,730,883.84 na babayaran natin hanggang Setyembre 10, 2022 na may regular na interest rate na 9% ay inatasan nya ang Pambayang Administrador na si For. Rick Jayson A. Tatlonghari na maghanap ng alternatibong paraan upang maisaayos ang problemang patubig.

Kaya sa tulong na maybahay ni Admin Tatlonghari na si Dr. Gerlie Toque-Tatlonghari, sila ay nagpunta noong Setyembre 18, 2014 sa Lucena, Quezon upang tagpuin si Dir. Shandy Hubilla ng Philippine Rural Development Project (PRDP) na kasalukuyang nagkakaroon ng presentasyon ng mga proyekto para sa probinsya ng Quezon. Ang pagpunta ng mag-asawa ay para makapagtanong kung saan pedeng makakuha ng pondo o proyekto para sa patubig ng Cavinti na “grant” o bigay. Hindi naman nabigo ang mag-asawa dahil may kasalukuyang programa ang Department of Agriculture (DA) sa pamamagitan ng PRDP at ito pa ay World Bank Fund na kasama ang Potable Water Supply. Sa programang ito, kung magbibigay ang World Bank ng P1M sasagutin lang ng LGU ay P100K (10% equity para sa Potable Water Supply). Ang kailangan lang gawin ng LGU Cavinti ay magpasa ng Feasibility Study, Detailed Engineering Design at Presentasyon sa panel ng Project Proposal.

Dahil sa gustong makuha ng mag-asawaa ang proyekto bilang tugon sa naisin ni Mayor MO para sa bayan ng Cavinti at kakayanin naman ng LGU ang equity na hinihingi ng World Bank, ginawa ng mag-asawa ang Feasibility Study (FS) na libre (ang halaga nito ay 10-15% of the total project cost tulad ng ibinayad dati ng dating administrasyon na nagkakahalaga ng P3.3M para lang sa pag-utang ng P26.7M sa patubig) sa pakikipagtulungan din ng ibang department heads at kawani ng LGU Cavinti (Engr. Gil Custodio, Engr. Ariel de Leon, Ms. Vina Loraine Orolfo at Mr. Howard Miras). Inabot ng P31,353,639.83 ang Potable Water Supply (PWS) Proposal na unang isinumite noong Nobyembre 14, 2014 para sa komento ng ahensyang nabanggit. Ang nasabing FS ng PWS ay muling inayos base sa komento ng Technical Working Group (TWG) at muling isinumite (final submission) Enero 9, 2015. Inaasahan ang pagbisita ng TWG sa Cavinti ngayong Marso upang ma-verify sa field ang nasasaad sa FS. Pagkatapos nito ay ang presentasyon sa RPAB ng FS. Pagkatapos ng presentasyon ay malalaman kung may kakulangan pa sa requirements ng World Bank o dapat ng ipatupad ang proyekto.

Kapag naaprubahan ang nasabing proyekto, hindi na gagamitin ang asbestos na tubo, maaayos ang linya ng tubig, magkakaroon na ng malinis ng tubig (may treatment) at aasahang lalakas na ang daloy ng tubig. Biruin ninyo, naayos ang tubig ng bayan ng hindi tayo nangutang kung ito ay maaaprubahan.